"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Saturday, July 5, 2014

Ang mga panloloko (daw) ng Catholic Defenders? Bintang ng tagong Ministro ng INC®

Nagkalat na naman ng PANLILINLANG itong tagong Ministro ng INCorporated ni Manalo-- ang Iglesia ni  Cristo® 1914. Ang sabi niya "90% ng depensor katoliko sa Pilipinas ay matatawag na "manloloko"..." [Source: http://readmeiglesianicristo.blogspot.com/2014/06/ang-mga-panloloko-ng-catholic-defenders.html#more]

Saan statistika kaya niya nakuha ang 90% na 'yan? Samantalang ang kanyang mga quotations ay hango lamang sa tatlong sources niya at nakatutok lamang siya sa mga Catholic Defenders sa Pilipinas. Narito ang iba pang mga Catholic Defenders at iba pang mga Catholic Defenders na HINDING-HINDI kayang pasinungalingan nitong tagong ministro.

Hirit pa niya: "...karamihan kasi sa kanila kung ano-anong ginagawang maduduming taktika para lang makapangloko ng iba. Merong nagsisinungaling, nandadaya, nanloloko...lahat ng itoy ginagawa nila para siraan ang Iglesia ni Cristo."

Unang-una, HINDI po layunin ng mga Catholic Defenders ang MANLOKO at MANLINLANG sapagkat tayo po ay NAGNANAIS na LINAWIN ang mga BINTANG ng mga ministro ng INCorporateed Church of Manalo.

Sa katunayan, DEFENDERS nga po ang tawag-- samakatuwid ay WE DEFEND the CHURCH OF CHRIST against those who ATTACK her like the IGLESIA NI CRISTO®, BORN-AGAIN, PROTESTANT churches around the world, non-Catholics like the MUSLIMS, AGNOSTICS, ATHEISTS, LEFTIST, COMMUNISTS, DISSENTERS etc. etc. They sing one common song and that is to TEAR DOWN the CHURCH OF CHRIST-- the ONE, HOLY, CATHOLIC and APOSTOLIC CHURCH.

But of course the could not-- "the gates of hell shall not prevail" sabi nga ni  Cristo.  History has proven it.

READMEINC SAID:
Panloloko #1- Catechism of Christian Doctrine

Kung bakit PILIT nilang MINAMALI ang mga nakalimbag sa ating mga mumunting babasahin ay sapagkat NAGHAHANAP sila ng BUTAS laban sa Iglesia Katolika!

At para sa kanila ang "worship" nga raw ay "pagsamba" at iyon daw ang "translation" ng "worhip" sa tagalog.

Gusto lang nilang palabasin na ITINUTURO raw ng Iglesia Katolika ang PAGSAMBA sa mga rebulto o larawan. Gusto lang nilang patunayan na ang mga Katoliko ay SUMASAMBA sa mga bato.

At kung mapatunayan nga nilang "sumasamba" nga daw tayo sa bato ay saka nila i-quote ang Exodus at Deuteronomy laban sa atin upang MAKALINLANG at MAKAPANLOKO ng mga Katolikong kulang sa katekismo at magiging mga kaanib nila!

They want to PROVE that Catholics are wrong so that they will be RIGHT! Dahil LAHAT ng mga bayarang ministro ng INC ay walang talino upang patunayan ang kanilang aral through logical reasoning kundi through debasing other beliefs to make them appear theirs is the right teachings.

Sinasamba ba talaga ng mga Katoliko ang mga rebulto at larawan ng mga banal? Pinalalagay ba ng mga Katoliko na 'dios' ang mga rebulto at mga larawan?

Iyan po ang HINDI nila kayang patunayan. Kaya't SUMISIPI po sila ng mga articles na gawa ng mga Catholic Apologists upang siraan nila ang Iglesiang itinayo ni Cristo.

Sinong MANDARAYA at mga MANLILINLANG? Ang mga kaanib ng INCorporated Church of Manalo-- ang Iglesia ni Cristo®-1914.

Makailang ulit na nating sinabi sa kanila na ang salitang "WORSHIP" sa English ay HINDI nangangahulugan ng "PAGSAMBA" lamang. Depende kung sino ang pinatutungkulang ng "paggalang"
  • Kung sa mga banal at mga anghel, tawag natin ay DULIA.
  • Kung patungkol naman sa Ina ng Dios na si Santa Mariang Birhen, tawag natin ay HYPERDULIA.
  • At kung patungkol naman sa pagsamba sa DIOS na buhay, tawag natin ay LATRIA.
Kaya't kung ika'y isang Katoliko at nagbabasa ka ng article na sulat ng isang Katoliko, ay mauunawaan mo kung anong pakaibig sabihin ng "worship", kung patungkol sa mga banal ba o kay Inang  Birheng Maria o sa buhay na Dios.

One should take off his/her prejudices and LEARN the CATHOLIC way and UNDERSTAND the Catholic understanding-- then you will understand!

At kung TRANSLATIONS lang naman pala ang labanan, ano nga bang dahilan at CIUDAD DE VICTORIA ang pinili niyong pangalan kung saan nakatayo ang inyong dome?  Bakit sa salitang SPANISH at hindi tagalog?

Takot nga ba kayong ihayag na MASYADONG obvious kung ito ay itagalog 'LUNGSOD NG MANALO"?

READMEINC SAID:
Panloloko #2- Tula ni Ka Daniel Lapid Sr.


Ito ang ikinakalat ng mga CFD sa internet para palabasing sinasamba daw namin si "Kapatid na Manalo":


Ngunit nung hinanap namin ang orihinal na kopya, ganito pala ang nakalagay:




"Ang Iglesia Ni Cristo, sa Diyos ay nagpupuri,
Sa tulong N'yang iginawad sa Sugo N'yang bilang huli,
Siya ang nagpalakas, umalalay at kumandili,
Pangalan N'ya'y luwalhatiin at sambahin na parati"

Nasaan ang patunay na 'yan nga ay sipi mula sa Pasugo, May 1966?

Maaaring overly exagerated ang bintang na 'yan pero mula sa aming hanay ngunit  HINDI nga ba "pagsamba" ang katumbas ng MATINDING PAGSINTA niyo kay FELIX MANALO at sa kanyang angkan higit pa sa PAGSINTA niyo kay Cristo at sa mga alagad?

Sa inyong mga artikulo, PINAGTATANGGOL niyo ang katauhan ni FELIX MANALO kahit sa kamatayan samantalang hayagan niyong NIYUYURAKAN ang katauhan at pagka-Dios ni CRISTO JESUS? Mas nakakataas ba si FELIX MANALO kaysa kay CRISTO?

At sa inyong mga PASUGO articles ay halos IPINANTAY niyo na si Felix Manalo kay Cristo sa katayuan ng PAGSAMBA? (maaari niyong pasinungalingan ang mga quotes na ito).

PASUGO Hulyo 1965, p. 12:
“Parehong-pareho ang espiritu ni Cristo sa diwa ni Kapatid na Felix Manalo sa pamamaraan ng pagdadala ng tungkuling tinanggap sa Dios."

PASUGO Mayo 1964, p. 1:

“Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios na huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo."
 
Hindi ba't ang PANUKAT niyo sa aming mga Katoliko sa aming PAGSINTA sa mga SANTO ay "worship"? Bakit naman HINDI akma kay Felix Manalo ang "worship" sa SOBRANG binibigay niyong PAGSINTA sa kanya sa lahat ng larangan ng debate?

Panloloko #3- Pasugo March 1956, p.25
Ito ang madalas na ikowt ni Catholicdefender2000 sa kaniyang blog:

PANSININ: Ang mga ito ang Ministrong inaralan at inatasang magpahayag ng pagkatatag ng Iglesia Katolika Apostolika Romana:
Si Emiliano Magtuto--PASUGO Nob. 1956, p. 18: -- 44 B.C.
Si Benjamin Santiago -- PASUGO Peb. 1959, p. 1: -- 400 A.D.
Si Benjamin Santiago -- PASUGO Ago. 1962, p. 3: -- 1870 A.D.
Si Teofilo C. Ramos -- PASUGO Mar. 1956, p. 25: -- 1870 A.D.
Si Joaquin Balmores -- PASUGO Peb. 1952, p. 9: -- 400 A.D.

Halatang sinipi niya ito sa isang anti-INC na libro na may pamagat na "Ang Katotohanan Tungkol sa INK-1914"

Isa lamang ang Pasugo March 1956, p.25 sa napakadaming pasugo issues kung saan ginawan nila na kwento na diumanoy may ganitong nakasulat, etc...

Kung meron nga lang ako ng mga pasugong binabanggit sa aklat ay ii-scan ko ito para malaman ng lahat na pawang kasinungalingan lang ang nakasulat sa libro na iyon na madalas ikowt ng mga Catholic defenders.

Eto po ang orihinal na kopya, kahit kayo na mismo ang magbasa at maghanap kung meron ngang mababasa na sinabi ni Ka Teofilo Ramos na natatag ang Iglesia Katolika noong 1870 AD:





 Meron ba? 

WALA.....

Pati nga may akda hindi naman si Ka Teofilo Ramos kundi si Ka Lauro Dolorito!

Alam mo palang hindi si TEOFILO ang nagsulat, bakit tumigil ka sa Pasugo March 1959, p. 25? Maaari mo namang hanapin ang mga sinulat ni Teofilo patungkol sa PAGKAKATATAG ng Iglesia Katolika?

Pero ang topic po sa article na iyan ay ang SALU-SALUNGATANG TURO ng mga MINISTRO ng INC-1914.

TOTOO bang SALU-SALUNGATAN ang inyong turo kung KAILAN NAITATAG talaga ang IGLESIA KATOLIKA? Kaya mo bang PASINUNGALINGAN yan?!

At sigurado kong HINDI mo kayang patunayan ang bintang ng mga manunulat na na KONTRA-KONTRA ang mga katuruan ng inyong mga Ministro, aking uulitin na HINDI katotohanan ang pakay mo rito sa akusasyong ito kundi PANLILINLANG at PAGMAAMALI sa mga Katoliko upang kayo ang lalabas na tama.

Tutal inumpisahan mo na rin lang naman ang pagpapatunay na "90 PER CENT" sa mga Catholic Defenders ay mga "sinungalin", pwede bang PASINUNGALINGAN mo ang mga sumusunod?

PAKISAGOT!
  1. Sabi ng yumaong Eraño Manalo, "halos lahat" daw ng mga Ministro niyo ay mga "mandaraya"? [Basahin dito]
  2. Ayon sa mga journalist sa buong mundo, si Felix Manalo raw ang nagtatag ng INC at hindi si Cristo? [Basahin ang mga news articles dito]
  3. Ayon sa iyong article, 'Tuluyan nang bumagsak ang Iglesia Katolika sa Kanluran"? Totoo ba ito? Bumagsak ba talaga?
  4. Ayon sa Pasugo, hindi pa raw natalikod na ganap ang tunay na Iglesia ni  Cristo- ang Iglesia Katolika? Totoo ba ang pag-amin niyo sa PASUGO, Abril 1966, p. 46:
    “Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo." Ibig sabihin ay ang Iglesia Katolika pa rin ang tunay na Iglesia ni Cristo sapagkat hindi pa ito tuluyang natalikod!?
  5.  Totoo bang pag-aari ng mga Manalo ang Iglesia ni Cristo na itinatag ni Felix Manalo noong 1914? Kung hindi naman sa kanila, sino ang may-ari ng Iglesia ni Cristo?
  6. Totoo bang walang Pasko sa INC-1914?  Sigurado ba kayong hindi nagdiriwang ng Pasko ang inyong mga kaanib sa tuwing sumapit ang Disyembre 25? [Basahin dito]
  7. Totoo bang milyon-milyon ang inyong kaanib? May patunay ba kayo? May opisyal ba kayong istatistika tungkol dito?
  8. Totoo bang mayaman ang mga Manalo? May patunay ba kayong namumuhay sila ng simple at nakatira sa simpleng tahanan? At ang kanilang mga tirahan ba ay pagmamay-ari din ba ng Iglesia ni  Cristo?
  9. Totoo bang walang sapilitang abuluyan sa loob ng INC-1914?
  10. Totoo bang 90% ng mga Catholic Defenders ay mga "sinungaling"? Maaari mo bang ilahad dito ang mga 90% na listahan ng mga Catholic  Defenders na "sinungaling"?
  11. Totoo bang nilinlang niyo ang mga tao gamit ang Banal na Salita ng Dios? [Basahin dito]
  12. Totoo bang 'Paring Katoliko" itong na-recruit niyo? Kung hindi, bakit sinasabi niyong 'paring Katoliko" samantalang alam niyong hindi siya paring Katoliko? [Basahin dito]

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.

My Blog List

My Calendar