"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Sunday, April 6, 2014

Ang PAG-ANIB sa TUNAY na IGLESIA NI CRISTO at ang KALIGTASAN


Sa isang artikolong sinulat ni Bienvenido C. Santiago (http://inc-ako.blogspot.com/), isang Ministro ng INC ni Manalo, nabanggit niya roon ang kahalagahan ng Iglesias a pagliligtas ng Dios sa sanlibutan. 

Bulag sa katotohanan, ibinibintang niya sa ibang mga mangangaral ang PAGLILIHIS daw nila sa katotohanan samantalang MISMONG mga MINISTRO ng INC ang mga gumagamit ng PANDARAYA at KASINUNGALINGAN upang maitago, mailihis at MANLINLANG ng kanilang mga kaanib.

Katulad na lamang ng kanilang ipinalabas na TV segment. Isang PARI raw ng Iglesia Katolika ang umanib na sa INC. Ngunit ang katotohanan pala ay isa siyang pari ng “The Apostolic Catholic Church Poon Bato, Inc.” na tatag nina John Florentine L. Teruel and Maria Virginia PeƱaflor Leonzon noong 1992 sa Bataan. At ayon sa Wikipedia ay HIWALAY na po sila sa IGLESIA KATOLIKA! Sa ibang salita, sila po ang NAGPATIWALAG sa kanilang mga sarili at nagtatag ng kanilang pekeng “Catholic Church”.

Bagamat kopyang-kopya ng mga nagpapanggap na Katoliko ang mga gawain at mga kasuotan ng isang lehitimong paring Katoliko, HINDI pa rin po sila lehitimong Katoliko! Katulad lamang po sila ng mga INC na huwad—nagpapanggap na mga tunay ngunit peke.

[Basahin ang aking naunang artikulong pinamagatang: A Fake "Catholic" Priest's Convertion: How Ministers of the Iglesia ni Cristo® Deceived its own viewers!]

Yan ang mga MANGANGARAL na INILILIHIS ang KATOTOHANAN!

Heto po ang panimula ni G. Santiago (Mula sa Pasugo: God’s Message Magazine: October 2008/ Vol. 60 / No. 10 / ISSN 01-16-1636, pp 19-20):

"ANG MALINAW NA aral ng Biblia tungkol sa kahalagahan ng Iglesia para sa kaligtasan ng kaluluwa ng tao ay pilit na pinalalabo ng ibang mga tagapangaral. Inililihis nila ang tao sa katotohanan upang hindi makita ang kahalagahan at kaugnayan ng pag-anib ng tao sa tunay na Iglesia sa pagliligtas na gagawin ni Cristo."

Ayon kay G. Bienvenido, mahalaga raw po ang pag-anib ng isang tao sa "tunay" na Iglesia sa kaligtasan ng kaluluwa. Ngunit ang bintang niya ay pilit daw "inililihis" ng ibang mangangaral ang katotohanan upang "hindi makita" ang kahalagahan daw ng pag-anib sa "tunay" na iglesia.

Sa dinami-rami ng mga NAG-AANGKING mga "TUNAY" na mga iglesia, alin nga ba sa kanila ang may mga taglay na katangian upang masuri at malaman natin kung ang mga ito ba'y tunay o huwad?

Anong mga pamantayan ba ang ating gagamitin upang malaman natin ang tunay sa huwad?

Upang mas malinaw ang ating pagsusuri, gamitin natin ang KANILANG PAMANTAYAN kung alin ang peke sa tunay na Iglesia ni Cristo.

Narito ang kopya mula sa kanilang OPISYAL na magasing Pasugo:

PASUGO Setyembre 1940, p. 1:
“Dapat malaman ng lahat, ayon sa Bagong Tipan, ang tunay na INK ay si Cristo ang nagtatag nito."

PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino-- ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sino mang tao-- maging marunong o mangmang, maging dakila o hamak-- ay walang karapatang magtayo ng Iglesia"

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

PASUGO Mayo 1954, p. 9:
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."

Mula sa kanilang sariling pamantayan, lalong lalabas na HINDI nga tunay itong Iglesia ni Cristo® na lumitaw sa Pilipinas noong 1914!

Bakit kaniyo?

Sapagkat:

1. Si Felix Manalo ang nagtatag nito, at pinatutunayan ito ng kasaysayan at nakatala ang kanilang rehistro sa SEC ayon sa PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5. Yan din ang dahilan kung bakit sa lahat ng balitang patungkol sa INC, sinasabi ng mga mamamahayag na “Felix Manalo founded the Iglesia ni Cristo…” May higit pa bang patunay ang kailangan kung mismong KATOTOHANAN na ang nagsasabi nito?

2. Walang sino man ang may karapatang magtayo ng kanyang Iglesia—maging marunong o mangmang—tanging ang Panginoong Jesu-Cristo lamang! Ano ba si Felix Manalo, dios?

3. Ang tunay na Iglesia ay isa lamang. Hindi dalawa at hindi tatlo. Yan naman ang mga nakasulat sa Biblia “The Church”—ibig sabihin ay IISA. At ang “Iglesia” na ito ay maaaring tawaging “Iglesia ng Dios”, “Iglesia ni Cristo”, “Iglesia ng Banal na Dios”, “Iglesia ni Jesu-Cristo”, “Iglesia ng Panginoon”—ano man ang bansag pero IISA lamang ang pinatutungkulan—ang Iglesiang tatag ni Cristo at wala ng iba! Ano ba ang sabi ng Pasugo Agosto-Setyembre 1964, p. 5?Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

4. At dapat daw itinatag ito sa Jerusalem. Ang INC-1914 ba, saan itinatag? Sa Jerusalem ba? At ayon sa opisyal na katuruan ng INC, “LOKAL” lamang daw po ang itinatag ni Felix Manalo. May local bang NAPAPALOOB sa kanya ang lahat ng mga local sa buong mundo? Saan ba ang Central ng INC? Sa Jerusalem ba? Mangangamatis ang mga Ministro nila sa kapapaliwanag nito baka sakaling lumusot.

Kita niyo na ang PANLILINLANG nila? Huwag maging ignorante mga kababayan ko. At baka mas tuso pa ang kadiliman sa inyo.

Dumako naman tayo sa mga piling-piling sipi ni G. Santiago mula Banal na Kasulatan:

"Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Cristo sa iglesya ... Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan, bagkus ito'y pinakakain at inaalagaan, gaya ng ginawa ni Cristo sa iglesya" (Efe. 5:25, Magandang Balita Biblia).
"inihandog niya (Cristo) ang kanyang buhay para rito (Iglesia)" (Efe. 5:25, Ibid.). 
"Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito" (Efe. 5:23, Ibid.). 
Ang Iglesiang iyon ay "ang iglesia ni Cristo na binili niya [ni Cristo] ng kaniyang dugo" (Gawa 20:28, salin ni Lamsa).

Heto naman ang aking kasagutan.

Unahin natin ang Efeso 5:28. Sinabi ni Apostol Pablo na dapat daw ibigin ng mga asawang lalaki ang kanilang mga asawa "GAYA NG PAG-IBIG NI CRISTO SA IGLESIA..."

Kung inibig pala ni Cristo ang IGLESIA na parang kanyang sariling KABIYAK, bakit sa turo ng INC-1914 ay HINIWALAYAN niya ito ng libong taon (Total Apostasy) at saka lang pinalitan ng bago 1,914 taon ang nakalilipas?

Mahigit LIBONG TAONG iniwanan ni Cristo ang Iglesia? Ano bang ginawa ni Cristo ay pinaabot niya ng 1,914 taon bago niya naisipang “balikan” ang kanyang iglesia (raw)???

Yan ba ang PAG-IBIG ni Cristo sa Iglesia? Ang IWANAN ang Iglesia na parang kanyang kabiyak at saka MAGHANAP ng panibagong ASAWA (Iglesia) sa loob ng 1,914 taon?

Uso na pala kay Cristo ang 'DEBORSIYO'? At si Cristo pala ang NAGPAUSO ng HIWALAYAN?!

Ang labo yata ng aral na 'yan G. Santiago.

Heto naman ang Efeso 5:25 ibid: Inihandog daw ni Cristo ang kanyang sarili para sa IGLESIA?

Para saan pah? Upang HIHIWALAYAN din niya ito pagkaraan ng ilang taon ng pagkakatatag?

Ayon sa turo ng mga Ministro ni Manalo, ang tunay na Iglesia ay nawala raw na ganap (Total Apostasy) sa mundo mula ng namatay ang huling apostol. Kung si San Juan ang huling namatay sa lahat ng mga apostoles noong mga 90 A.D., ibig bang sabihin mula noong 90 A.D. hanggang 1914 A.D. ay wala na ang tunay na Iglesia—iniwanan si CRISTO ang Iglesia na kanyang INIBIG at INALAYAN PA NIYA ng kanyang buhay?

Ngunit taliwas sa aral na itinuturo ng mga mangangaral na INILILIHIS ang katotohanan, sa talaan ng kasaysayan ng tao, ang Iglesiang tatag ni Cristo ay BUHAY na BUHAY noong panahong 90 A.D.

  • 90(+/-10)? late date for writing of 1 Peter (associate of Peter as author)
  • 94 Testimonium Flavianum, disputed section of Jewish Antiquities by Josephus in Aramaic, translated to Koine Greek
  • 95(+/-30)? Gospel of John and Epistles of John
  • 95(+/-10)? Book of Revelation written, by John (son of Zebedee) and/or a disciple of his
  • 96 Nerva modified the Fiscus Judaicus, from then on, practising Jews paid the tax, Christians did not[15]
  • 98-117? Ignatius, third Bishop of Antioch, fed to the lions in the Roman Colosseum, advocated the Bishop (Eph 6:1, Mag 2:1,6:1,7:1,13:2, Tr 3:1, Smy 8:1,9:1), rejected Sabbath on Saturday in favor of "The Lord's Day" (Sunday). (Mag 9.1), rejected Judaizing (Mag 10.3), first recorded use of the term catholic (Smy 8:2).
  • 100(+/-30)? Epistle of Barnabas (Apostolic Fathers)
  • 100(+/-25)? Epistle of James if written by author other than James the Just or James the Great
  • 100(+/-10)? Epistle of Jude written, probably by doubting relative of Jesus (Mark 6,3), rejected by some early Christians due to its reference to apocryphal Book of Enoch (v14)

Eh kung NATALIKOD na GANAP na pala ang tunay na Iglesia ni Cristo pagkamatay ng huling apostol, saan at kailan ba SUMULPOT ang BIBLIA sa panahong NATALIKOD na ganap ang tunay na Iglesia?

Taong 382 A.D. lamang nabuo ang TABLE OF CONTENTS ng Biblia sa pamumuno ni Pope Damasus I! 

Kung susundin natin ang turo ng mga ministro ng INC-1914, ang NATALIKOD na IGLESIA pa pala ang nagbigay sa atin ng Biblia? Pinalalagay pa nilang NABUO ang banal na Biblia noong panahong NATALIKOD ito ng ganap??

Kahindik-hindik namang turo ‘yan G. Santiago! Naniniwala kayo sa aklat na gawa ng mga tumalikod kay Cristo?!

Heto naman ang sinipi nila galing sa Efeso: "Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito" (Efe. 5:23, Ibid.).

At walang kahirap-hirap idinugtong ni G. Santiago, ang Gawa 20:28, salin ni Lamsa upang makabuo ng saknong: "ang iglesia ni Cristo na binili niya [ni Cristo] ng kaniyang dugo".

Ang galing-galing ng pagkakabuo ng mga saknong. Isipin mo, cut and paste from one book to another tapos saka niya pagtatagpiin upang makabuo ng pangungusap at mabuo ang gusto niyang palabasin?

Binababoy ni G. Santiago ang Banal na Aklat. Hiniwa-hiwa nila ang bawat talata at idudugtong nila sa kung saan nila gustong idugtong upang lalabas na ANG BIBLIA ay UMAAYON sa mali nilang mga aral?

Kaawaan sana kayo ng Dios!

Ginoong Santiago, bumalandra sana sa iyong mukha ang iyong unang mga kataga:
"Inililihis nila ang tao sa katotohanan upang hindi makita ang kahalagahan at kaugnayan ng pag-anib ng tao sa tunay na Iglesia sa pagliligtas na gagawin ni Cristo."

IKAW G. Santiago ang LUMILIHIS ng katotohanan! Ikaw ang kinakasangkapan ng kadiliman upang mabulid sa maling aral ang mga gustong sumunod at umanib sa TUNAY na IGLESIA.

Kung si Cristo ay ULO ng Iglesia, bakit niya INIWAN at TINALIKURAN ang Iglesia mula ng namatay ang huling apostol 90 A.D. (ayon sa mga turo ng mga Ministro ni Manalo)?

Kung SIYA ang ULO, bakit hindi niya nagawang KONTROLIN ang buong katawan upang hindi niya ito TATALIKURAN? Ayon sa aral ng INC ni Manalo, ang tunay na Iglesia ay NATALIKOD daw na GANAP. Ibig sabihin WALANG NAIWAN, at si Cristo lamang daw ang naiwan?

Mabubuhay ba ang isang tao na ULO lamang at walang katawan? Saan ba tayo nakakakita ng ganong klase ng tao? At hindi ba't ang ULO ay siyang taga-UTOS ng katawan para sa ikabubuti ng buong katawan? Eh kung ITATAKWIL at TATALIKURAN ng ULO ang KATAWAN, anong silbi ng ULO? Mahinang lohiko ang ganyang klaseng paliwanag G. Santiago.

At kung susundin natin ang aral ng mga Ministro ng INC ni Manalo, lalabas na isang MAHINANG klaseng ULO si Jesus sapagkat hinayaan niyang malugmok sa kasiraan ang kanyang KATAWAN -- at ULO lang ang naiwan??

Ang labo yata ng aral na yan G. Santiago.

At bakit piling-pili ang LAMSA kapag sinisipi nila ang GAWA 20:28?

Upang MAKAPANLINLANG ng tao.

Bakit may malilinlang ba sa pagsipi ng Gawa 20:28?

Opo, sapagkat sa tunay na MANUSCRIPT ng Gawa 20:28 ang mga nakasulat ay "Iglesia ng Dios" at HINDI "Iglesia ni Cristo". Yan ang dahilan kung bakit tanging Gawa 20:28 lamang ang kanilang sinisipi sa Saling Lamsa ng Biblia at wala nang iba.

Bagamat ang may ari ng Lamsa Translations na si George Lamsa ay di naniniwala sa pagka-Dios ni Cristo, hindi po siya umanib sa Iglesiang tatag ni Felix Manalo. Hindi man lamang nagawang hikayating umanib ang grupo ni G. Lamsa sa Iglesia® ni Cristong tatag ni Felix Manalo.

At maging ang ARKITEKTO ng kanilang mga naglalakihang templo, si CARLOS A. SANTOS-VIOLA ay HINDI man lang nila NAHIKAYAT na umanib? Siya isang debotong Katoliko na nanilbihan sa Our Lady of Lourdes Parish sa Quezon City, hanggang sa siya’y mamatay.

Sa kabuuan ng mga talatang ginamit ni G. Santiago sa itaas, lalong LUMILITAW na HINDI ang INC-1914 ang tinutukoy na "Iglesia" sa mga talatang ginamit.

Bakit kaniyo?

Sapagkat tanging ang IGLESIA KATOLIKA lamang ang may katuruang HINDI INIWANAN ni Cristo ang IGLESIA bilang kanyang KABIYAK.

Tanging ang IGLESIA KATOLIKA lamang ang nagtuturong HINDI TINALIKURAN ni CRISTO ang IGLESIA bilang kanyang KATAWAN at siya ang ULO.

At dahil INALAY ni CRISTO ang kanyang BUHAY para sa ikaliligtas ng Iglesia, HINDI MAAARING IWANAN ni Cristo ito sapagkat INALAY na niya ang pinakamahalagang bagay sa kanya-- ang KANYANG SARILING BUHAY. Turo din ito ng Iglesia Katolika.

At dahil HINDI TINALIKURAN, o ITINAKWIL, o INIWANAN, o PINALITAN ni Cristo ang Iglesiang kanyang itinatag mayron ba sa mga maraming iglesia ang kayang tuntunin ang kaniyang kasaysayan mula sa panahon pa ng mga Apostol?

Meron po.

Heto po ang sabi ng Wikipedia:

The Catholic Church, also known as the Roman Catholic Church, is the largest Christian church, with more than 1.16 billion members worldwide. It is among the oldest religious institutions in the world and has played a prominent role in the history of Western civilisation. The Catholic hierarchy is headed by the Pope, the Bishop of Rome. The Church teaches that it is the one true Church founded by Jesus Christ, that its bishops are the successors of Christ's apostles and that the Pope is the sole successor to Saint Peter who has apostolic primacy.

Kitam!

The OLDEST daw ito. Ibig sabihin siya ang KAUNA-UNAHANG Iglesia sa lahat ng mga umaangking tunay.

Ang pamantayan ng Pasugo (Mayo 1954, p. 9) “Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."

Kung ang Iglesia Katolika ay “the oldest” ito na nga ang IGLESIANG itinayo sa Jeralem noong unang siglo.

Kasaysayan at Pasugo ang nagpapatunay na ang IGLESIA KATOLIKA ang tunay.

At upang hindi tayo paratangang mga mangangaral na INILILIHIS ang katotohanan, ito ang pagpapatunay MISMO ng opisyal na magasin ng INC-1914!

PASUGO Abril 1966, p. 46: “Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."

Anong kasasapitan naman ng Iglesia ni Cristo® 1914? Magdiwang na lang sila ng kanilang ika-100 taon ng PAGKATATAG!

Sa kabuuan, pinalalabas ng INC ni Manalo na si Cristo ay SINUNGLALING, DEBORSIYONISTA, MANDARAYA, MANLILINLANG, SINUNGALING AT WALANG PAGMAMAHAL SA IGLESIA.

At dahil alam natin na hindi ganon si Cristo, ang mga nangangaral nito ang MGA SINUNGALING! Mga mangangaral na INILILIHIS ang KATOTOHANAN.

At bilang pangwakas, sinipi ni G. Santiago ang Efeso 3:10 "upang sa pamamagitan ng iglesya ay maipakilala ngayon sa mga pinuno at mga maykapangyarihan doon sa kalangitan ang walang hanggang karunungan ng Diyos na nahahayag sa iba't ibang paraan" (Efe. 3:10, MB).

Ayon kay G. Santiago, ang mga talatang ito ay patungkol daw sa kahalagahan ng kaligtasan ang Iglesia.

Kaya?

Hindi kaya sariling kuro-kuro lamang niya ang mga katagang ito? Sapagkat kung uunawain natin ng husto, ang Iglesiang tinutukoy dito ay hindi ang INC-1914 kundi ang Iglesiang KANYANG ITINATAG.

Bakit HINDI ang INC-1914 ang tinutukoy dito?

Sapagkat pinalalagay ng mga ministro ng INC-1914 na dalisay o PRISTINE daw ang kanilang iglesia. Ibig sabihin ng MALINIS at WALANG BAHID ng KASALANAN.

Kung walang bahid na kasalanan pala ang INC-1914, bakit kailangan pa itong iligtas eh MALINIS na?

Hindi ba't MAS KAILANGAN ng Iglesia Katolika ang PAGLILIGTAS ni Cristo sapagkat ito'y makasalanan (ayon na rin sa mga turo ng mga ministro ng INC-1914)?

Lalabas na ang talatang kanilang inangkin ay HINDI para sa kanila kundi PARA SA MGA KATOLIKO sapagkat ang pagliligtas lamang ay sa mga makasalanan.

“Those who are well have no need of a physician, but those who are sick." (Mt. 9:12; Lk. 5:31; Mk 2:17)

Ani G. Santiago:
Ang mga nagsasabing hindi kailangan at hindi mahalaga sa kaligtasan ang Iglesia, ay binabale-wala ang walang hanggang karunungan ng Diyos sapagkat ang napakahalagang gampaning magpakilala nito ay sa Iglesia iniatang…”
"Naglagay ang Diyos sa iglesya, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng mga gagawa ng mga kababalaghan, mga magpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga magsasalita sa iba't ibang wika" (I Cor. 12:28, Ibid.).

Kaanib ba ng INC-1914 ang mga apostol? Eh ang mga Propeta ba ay naging kaanib ng INC-1914? At ang mga guro? Ano ba ang itinuro nila? Ang INC-1914 ba?

May kababalaghan bang maituturing sa INC-1914? Si Felix Manalo, may kababalaghan ba siyang nagawa upang mapatunayang kinasisihan ng Dios ang kanyang pagkahirang? May mga gumaling bang mga may-sakit na pinatunayan ng Siensiya at ng mga dalubhasa?

May mga taga-pagsalita ba ng iba’t ibang wika sa loob ng INC-1914? Tanging Tagalog, English, Spanish lamang ang mga sinasalita ng mga INC-1914.

Wala silang kaanib na nagsasalita ng Latin, Hebrew o Greek. O Mandarin, Hindi, Arabic, Portuguese, Bengali, Russian, Japanese, Punjabi, German, Javanese, Wu, Malay, Indonesian, Telugu, Vietnamese, Korean, French, Marathi, Tamil, Urdu, Persian, Turkish, Italian, Cantonese, Thai, Gujarati, Jin, Min Nan, Polish, Pashto, Kannada, Xiang, Malayalam, Sundanese, Hausa, Oriya, Burmese, Hakka, Ukrainian, Bhojpuri, Yoruba, Maithili, Swahili, Uzebk, Sindhi, Amharic, Fula, Romanian, Oromo, Igbo, Azerbaijani, Awadi, Gan, Dutch, Kurdish, Sebo-Croatian, Malagasy, Saraiki, Nepali, Sinhalese, Chittagonian, Zhuang, Khmer, Assamese, Madurese, Somali, Marwani, Magahi, Haryanvi, Hungarian, Chhattisgarhi, Greek, Chewa, Deccan, Akan, Kazakh, Min Bei, Sylheti, Zulu, Czech, Kinyarwanda, Dhudhari, Haitan Creole, Min Dong, Quechua, Kirundi, Swedish, Hmong, Shona, Uyghur, Mossi, Xhosa, Belarusian, Balochi, Konkani,

Yan ba ang katuparan ng ICor. 12:28? Natupad ito sa Iglesia Katolika! Hindi sa INC ni Manalo!

Ang sabi pa ni G. Santiago ay:
Kaya salungat sa kalooban ng Diyos ang itinuturo ng mga nangangaral na nagsasabing ang pag-anib sa Iglesia ni Cristo ay hindi kailangan at hindi mahalaga sa ikapagtatamo ng kaligtasan.

Ang pag-anib sa TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ay isang mahalagang katuruan sa ikapagtatamo ng kaligtasan. Ngunit ang pag-anib sa PEKENG Iglesia ay isang kasumpa-sumpa. Ang mga mangangaral katulad ng kanilang mga ministro ng mangangaral na INILILIHIS ang katotohanan ay hindi patutungo sa kaligtasan kundi patungo sila sa kapahamakan!

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.

My Blog List

My Calendar