BAKIT nga ba SINASAMBA ng mga IGLESIA NI CRISTO® si CRISTONG TAO?
Basahin niyo ang PALIWANAG nitong kaanib ng INC® kung bakit daw nila sinasamba si Jesus na TAO LAMANG mula sa blog na may larawan sa ibaba.
http://converttoinciglesianicristo.blogspot.com/2014_02_01_archive.html |
Pansinin niyo kung paano niya MINANIPULA ang PAGPILI ng mga sitas ng Biblia para MALINLANG niya kayo.
At kung paano niyo PINAGDUDUGTUNG-DUGTONG ang mga sitas ng BIBLIA upang makabuo ng saknong AYON sa NAIS niyang palabasin.
Sa kabuuan, itong inaralan ng INC® Ministro ay bihasa sa PANDARAYA gamit ang BANAL na BIBLIA.
Halina’t ating ILANTAD ang kanilang KABASTUSAN at PAMBABABOY sa Salita ng Dios!
Unang hirit niya ay ganito:
Sa Pagsamba ng Iglesia ni Cristo sa Panginoong Jesus, sumasamba nga ba sa tao ang mga kaanib?
Sa Lucas 4:8 ay ganito nga po ang ating mababasa, atin pong tunghayan:
Sa Lucas 4:8 ay ganito nga po ang ating mababasa, atin pong tunghayan:
“At si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.”
At sa Apoc.22:8-9 naman po ganito din po ang ating mababasa:
“At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito. At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.”
Subalit bago po tayo gumawa ng ganyang reaksyon, tama nga ba na sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo kay Cristo, ay sumasamba sa tao ang mga kaanib?
Ang sagot po ay HINDI!
Baka sabihin ninyo, teka, sandal lang! diba naniniwala kayong tao si Cristo, tapos sinasamba ninyo, eh di sumasamba nga kayo sa tao?
Ang sagot nga po ay HINDI!
Kalunus-lunos itong kinikilalang “dios” ng mga kaanib ng INC® sapagkat siya ay isang “dios” na nag-uutos ng LABAG sa kanyang SARILING KAUTUSAN.
Anong sabi sa Lucas 4:8 : “… Nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.”
Dios LAMANG daw ang dapat SAMBAHIN at PAGLINGKURAN. At ito ay NASUSULAT! Period!
Dito, MAALAM si Cristo!
Sinabi niya kay Satanas kung ano ang PANGUNAHING KATOTOHANAN! Ang SAMABAHIN, tanging DIOS LAMANG!
At ang NAGWIKANG si CRISTO ay TALOS niya ito. At HINDI ito isang haka-haka lamang o saloobin o opinyon ng isang tao!
Ito’y NASUSULAT!!
Saan?
Sa Deut. 6:13… basa!
"The LORD, your God, shall you fear; him shall you serve, and by his name shall you swear.”
Ipinag-uutos ng DIOS (Ama) ang PAGSAMBA LAMANG sa kanya BILANG DIOS. Kaya’t ito’y MAINGAT na SINUSUNOD ng mga HUDYO. SINASAMBIT nila ito sa tuwing may isa sa kanilang NALILIGAW ng landas at NAGPAPANGGAP na dios o propeta. Ito ang kanilang PROFESSION OF FAITH—ang SHEMA!
“Sh'ma Yisrael Adonai Eloheinu Adonai Echad”
Sa English ay ganito: "Hear, O Israel! The Lord is our God! The Lord Alone (or One)!"
Ganyan ang ginawa nila kay Cristo. Akala nila ay NAGPAPANGGAP lamang siya.
Kaya’t kung si CRISTO ay TUNAY na sugo ng Dios, at alam niyang TAO LAMANG pala siya, bakit niya HINAYAAN ang mga TAO na SUMAMBA sa kanya? Hindi ba't dapat SIYA MISMO ang MAGTURO sa kanilang TANGING ang DIOS lamang ang SASAMBAHIN?
Kaya’t kung si CRISTO ay TUNAY na sugo ng Dios, at alam niyang TAO LAMANG pala siya, bakit niya HINAYAAN ang mga TAO na SUMAMBA sa kanya? Hindi ba't dapat SIYA MISMO ang MAGTURO sa kanilang TANGING ang DIOS lamang ang SASAMBAHIN?
Pero HINDI 'yan ang katotohanan!
ALAM na ALAM ni CRISTO kung SINO SIYA bago siya NAGKATAWANG-TAO. Siya ay DIOS na tunay at TAONG tunay din!
ALAM na ALAM ni CRISTO kung SINO SIYA bago siya NAGKATAWANG-TAO. Siya ay DIOS na tunay at TAONG tunay din!
Basahin natin ang PANGYAYARI sa Mateo 26:62-66 kung bakit HINATULAN ng kamatayan si CRISTO?
The high priest rose and addressed him, “Have you no answer? What are these men testifying against you?”
But Jesus was silent. Then the high priest said to him, “I order you to tell us under oath before the living God whether you are the Messiah, the Son of God.” Jesus said to him in reply, “You have said so. But I tell you:
From now on you will see ‘the Son of Man seated at the right hand of the Power’ and ‘coming on the clouds of heaven.’”
Then the high priest tore his robes and said, “He has lasphemed! What further need have we of witnesses? You have now heard the blasphemy; what is your opinion?” They said in reply, “He deserves to die!”
Ano raw?
Inaakusahan ng mga PUNONG SASERDOTE (mga Hudyo) si Jesus na “NAGPAPANGGAP” lamang na KAPANTAY ng DIOS. At PINANUMPA siya sa ngalan ng DIOS na BUHAY kung SIYA nga ba'y TOTOONG ANAK ng DIOS? (as in 'ANAK')?
At mula sa kanyang BIBIG kanyang winika: “From now on you will see ‘the Son of Man seated at the right hand of the Power’ and ‘coming on the clouds of heaven.”
Hindi lang daw siya ANAK ng DIOS kundi MAKIKITA pa SIYANG NAKALUKLOK sa KANAN ng AMA (DIOS) at PARIRITO mula sa KALANGITAN!!!
Anong sagot ng Punong Saserdote?
BLASPHEMY!!!!
Ang sagot daw ni Jesus ay isang KASUMPA-SUMPA sapagkat INAANGKIN na niya ang pagka-DIOS na sa kanilang paniwala ay Ama lamang ang Dios!
Ang mga PATOTOO ni Jesus ay PAG-AMIN na siya nga ay ANAK NG DIOS-- ibig sabihin ay KAPANTAY ng DIOS at KATULAD ng DIOS.
Sa MATA at PANG-UNAWA ng isang HUDYO ang mga patotoo ni Jesus ay KAHINDIK-HINDIK at KARIMARIMARIM na pahayag. Na tanging KAMATAYAN lamang ang makapagpipigil sa 'KAHIBANGAN' ni Jesus. Kaya't binansagan din siyang "LUNATIC' (Jn 10:20).
At dahil TALOS ni JESUS na TAMA LAHAT ang kanilang iniisip, TINANGGAP niya ang KAPARUSAHAN-- KAMATAYAN -- KAMATAYAN sa KRUS!
Nabanggit na rin lang naman natin ang 'PAGTANGGAP ni JESUS sa KAMATAYAN' mababasa natin ito sa FILIPOS 2:3-11, at ITO rin ang ginamit na TALATA nitong kaanib ng INC® pero PANSININ NINYO kung PAANO HAYAGANG pinutol ang naunang mga talata upang MAIKUBLI ang TOTOONG DAHILAN ng TUNAY na KALIKASAN ni Cristo!
Tingnan natin ang kanilang PANDARAYA at PANLILINLANG gamit ang Biblia!
Sa Filipos 2:9-11 ay ganito po ang ating mababasa, atin pong tunghayan….
“Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.”
Sa talata po ating mapapansin ang mga banggit na,”lahat ng tuhod” Sa lahat po ng may tuhod, ang tao po ba walang tuhod?
Ang sagot po natin syempre po ang tao ay may tuhod, kaya kasama ang tao sa pinasasamba.
Sa English “all knees shall bow down” na ang kahulugan nga ay pagsamba.
Sa talata din ating nabasa na katulad ng nasa Heb.1:4 nagmana ng marilag na pangalan, dito naman sa Filipos 2:9 ating nabasa na “siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan” upang ano daw?
Sa pangalan na iyan ay ay iluhod ang lahat ng tuhod.
PANSININ: INUMPISAHAN niya ang pagku-quote sa FILIPOS sa TALATA 2:9 at tinapos sa VERSE 11: “Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.”
Heto ang KABUUAN ng FILIPOS 2 at UUMPISAHAN natin sa 5-11. Yung GREEN (Berde) ang sadyang INALIS at ITAGO sa mata ng kanilang mambabasa, at 'yung RED (Pula) ang kanilang PINILING SITAS:
Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman:Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,
Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.
Kopyahin natin ang English Version sa Philippians 2
Have among yourselves the same attitude that is also yours in Christ Jesus,Who, though he was in the form of God,did not regard equality with God something to be grasped.
Rather, he emptied himself, taking the form of a slave, coming in human likeness; and found human in appearance, he humbled himself, becoming obedient to death, even death on a cross.Because of this, God greatly exalted him and bestowed on him the name that is above every name, that at the name of Jesus every knee should bend, of those in heaven and on earth and under the earth, and every tongue confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father.
Nakita niyo ang VERSE na KANILANG INALIS at ITINAGO?
Ang VERSES 5-8 dahil NAKASAAD doon ang pagka-DIOS ni CRISTO!
Ang VERSES 5-8 dahil NAKASAAD doon ang pagka-DIOS ni CRISTO!
IKINUBLI nila sa inyo ang KATOTOHANAN!
Kung bakit 'BINIGYAN' ng Dios Ama ng KADAKILAAN sa LAHAT ang PANGALAN ni Jesus sapagkat:
- Siya'y nasa ANYONG DIOS ngunit NAGPAKABABA!
- Hindi lang po siya nagpakababa, kundi NAGMISTULANG ALIPIN
- At TINANGGAP ang KAMATAYAN!
- Hindi lang kamatayan—isang NAKAKAHIYANG uri ng KAMATAYAN!
- KAMATAYAN sa KRUS!
Kita niyo na ang PANLILINLANG ng mga alipores ni Manalo?
Ayaw ng Iglesia ni Cristo® at ng kanilang mga bayarang Ministro IPAKITA sa inyo ang Verse 3-8 na nagsasabing “SIYA (JESUS) ay NASA ANYONG DIOS… nasumpungan sa ANYONG TAO..."
At ano pa man ang kanilang sabihin, iisa lang ang mensahe.
HINDI nila kayang PASINUNGALINGAN ang KATOTOHANAN kung bakit SINASAMBA ng mga KRISTIANO si JESUS ay sapagkat SIYA’Y DIOS na “nasumpungan sa anyong tao.”
Sa kanila, di nila alam kung BAKIT nila SINASAMBA si Jesus na TAO LAMANG.
INIUTOS lamang daw ng Dios Ama kaya nila ginagawa?
Wow, brilliant!
Pero sa ating tunay na SUMASAMBA sa NAG-IISANG DIOS, si Cristo ay SINASAMBA sapagkat SIYA at ang AMA ay IISA!
Sila na rin ang NAG-QUOTE ng BIBLIA:
Bakit natin natitiyak na ang Ama ang nagbigay, samantalang wala naman tayong mababasa na Ama sa talata?
Simple lang ang ating sagot dyan, alam naman natin na ang biblia ay hindi lang Filipos 2:9 meron pang ibang talata na nakasulat sa biblia. Kung gayon, pano po natin natitiyak na ang Diyos na binabanggit sa talata ay ang Ama? Hindi po tayo magkukuro-kuro, biblia din po ang sasagot sa atin. Sa Juan 17:11 ganito po an gating mababasa, atin pong tunghayan muli…..
“At ngayon, ako’y papunta na sa iyo; iiwanan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Amang banal ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng IYONG PANGALAN, ANG PANGALANG IBINIGAY MO SA AKIN, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila’y maging isa.”
Nakakabulag ang kanilang pag-HIGLIGHTS sa mga salitang "IYONG PANGALAN..." samantalang mas AKMA kung ang i-HIGHLIGHTS nila ay ang "KUNG PAANONG IKAW AT AKO AY IISA".
“At ngayon, ako’y papunta na sa iyo; iiwanan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Amang banal ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang KUNG PAANONG IKAW AT AKO AY IISA, gayundin naman sila’y maging isa.”
Dahil kung TANGGAP nilang ang AMA at si JESUS (ANAK) ay IISA, eh di DIOS din si CRISTO katulad ng AMA-- IISANG DIOS pa rin sa magkaibang PERSONA.
Yan ang pagpapatunay ng JUAN 1:1-5;13-14
Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao. At ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman; at ito'y hindi napagunawa ng kadiliman.
At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.
See, VERY CONSISTENT ang Biblia. Mula sa JUAN 1:1-5; 13-14, sa FILIPOS 2:3-11 iisa ang sinasabi:
Na si JESUS ang VERBO-- DIOS na nasa ANYONG TAO..."
At sa lahat ng mga MANLILINLANG sa KATOTOHANANG ito, may BABALA si San Juan (2 Jn 1:7):
Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.
Marami raw ang mga MANDARAYANG magsisilitaw sa sanlibutan.
Sino sila?
Ang mga MANGANGARAL na HINDI TANGGAP si JESUCRISTONG DIOS na NAPARITO sa LAMAN!
Ano sila?
SILA ay mga MANDARAYA at mga ANTI-CRISTO!
'Yan ang PATOTOO ng Biblia! At yan ang PAGBUBUNYAG sa KASINUNGALINGAN at PANDARAYA at PANLILINLANG ng samahang IGLESIA NI CRISTO® na TATAG ni FELIX MANALO.
Samakatuwid si FELIX MANALO ay isang MANDARAYA at MANLILINLANG na mangangaral. Ang bansag ng Biblia sa kanya ay ANTI-CRISTO!
No comments:
Post a Comment
Comments are moderated by the blog owner.
Thank you and God bless you.