"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Saturday, April 12, 2014

May dugo ba ang Dios? Bakit "iglesia ng Dios" ang nasa salin ng inyong Biblia (Mga Gawa 20:28)?

Photo Source: STORIED THEOLOGY
Maraming salamat Bro. Gene sa pagpadala mo sa akin ng inyong conversation with a member of the Iglesia ni Manalo (INM). Pipilitin po nating i-refute ang kanilang oposition sa "church of God" over "church of Christ" na nakasulat sa Acts 20:28

PART 1

see bakit mo iniba? bakit naging KATHOLIKOS?? instead of Kath oleS
ok tanong ko sau yang sa greek EKKLESIA TOU THEOU o IGLESIA NG DIYOS? na BINILI NG KANYANG DUGO?? tatanggapin mo ba na DIYOS DUN AY MAY DUGO???

TANONG: tatanggapin ba natin na IGLESIA NI CRISTO ang nakalagay po dun sa GAWA 20:28?

SAGOT; OPO DAHIL si Cristo PO ang nagbuhos ng mahalaga niyang DUGO.
1 PEDRO 1:18-19Alam ninyo kung ano ang ipinantubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Ang ipinantubos sa inyo'y hindi ang mga bagay na nasisira o nauubos, tulad ng ginto o pilak, 19 kundi sa pamamagitan ng MAHALAGANG DUGO NI CRISTO. Siya ang korderong walang batik at kapintasan

PAHAYAG: Si Cristo po ang nagbuhos ng kanyang MAHALAGAN DUGO kaya nga ang IGLESIA ay tinawag na IGLESIA NI CRISTO dahil si CRISTO PO ANG NAGTAYO NG IGLESIA MATEO 16:18 hindi po IGLESIA KATOLIKA. 😉

TANONG; Ang Diyos po ba may DUGO?

SAGOT: wala pong laman at buto kaya po siya ay ESPIRITO
juan 4:24-Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.
Lucas 24:39-Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang ESPIRITO WALANG LAMAN at mga BUTO, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.

PAHAYAG: Ang Diyos po ay Espirito meaning so say wala rin po syang DUGO. kaya hindi po puedeng ikapit ang IGLESIA NG DIYOS po dyan dahil po walang DUGO ang DIYOS ang may dugo si Cristo..
---------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa totoo lang, nakakalungkot talagang isipin na hindi nauunawaan ng mga Manalistas ang buong pagkaTAO at pagkaDIOS ni Cristo na kanilang pinapanginoon. Sa huling paghuhukom, sila 'yung tinutukoy ni Cristong “Lumayo kayo sa akin sapagkat ‘di ko kayo nakikilala..” (Mt. 7:21-23).

Una, sasagutin ko po sa abot ng aking makakaya bilang isang ordinaryong Katoliko itong mga paratang ng mga Manalista laban sa ating Panginoong Jesus. Bagama’t hindi po ako dalubhasa sa Cristology at Theology ay pipilitin nating ipaunawa sa kanila (at sa iyong kaalaman na rin) kung bakit naniniwala tayong (mga tunay na sumasamba kay Cristo) na siya (JESUS) ay TUNAY na DIOS at TUNAY na TAO.

TANONG: tatanggapin ba natin na IGLESIA NI CRISTO ang nakalagay po dun sa GAWA 20:28?

HINDI po! Sapagkat HINDI po iyan ang ORIHINAL na nakasulat sa Gawa 20:28, “iglesia ng Dios” po at HINDI “iglesia ni Cristo.” Sa kanyang saling Biblia si Lamsa po ay hindi sumangguni sa orihinal na wikang Griego na siyang pagkakasulat ng “Mga Gawa”. Sa Griego (Greek) po kasi, ay tan ekklasian tou Theou (church of God), HINDI po “tan ekklesian tou Christou (church of Christ)..” (Basahin ang Catholic Answers). 

Sino ba si George Lamsa? Bakit po siya dirinig-diri sa pagka-Dios ni Cristo?

Una, bagama't di naniniwala sa pagka-Dios ni Cristo, si Lamsa po ay hindi kaanib ng INM-1914. Siya po ay kabilang sa iglesiang “Assyrian Church of the East”. Hindi po sila nakaugnay sa mga Orthodox o mga Katoliko. Ang kanilang mga katuruan po ay hango sa schismatic na turo ng  Nestorianism  .

Si Nestor po, na pinagmulan ng maling aral na 'yan ay kinondena ng Iglesia sa KONSILYO NG EPHESUS noon Hunyo 22, 431 A.D.

Ang mga taga-sunod po ng Nestorianism ay mga taong naniniwala sa HIWALAY na naturalesa ni Cristo—isa bilang Dios at isa bilang tao. At ang samahang ito ay KINONDENA sa KONSILYO ng CHALCEDON noong Nobyembre 1, 451 A.D.

Kaya’t nagtaka si George Lamsa kung bakit ang “Dios daw ay may dugo” sa Gawa 20:28. Sapagkat di siya naniniwala sa pagka-Dios ni Cristo.

Sabi niya, hindi raw maaaring “iglesia ng Dios” ito sapagkat ang Dios ay walang dugo at hindi siya maaaring mag-alay ng wala siya. 

Kaya’t upang masolusyunan ang kanyang problema sa verse na ito, pinalitan niya ang “iglesia ng Dios” sa “iglesia ni Cristo (TAONG MAY DUGO)” na siyang ikinatutuwa ngayon ng mga kaanib ng INM-1914 sa pag-aakalang SILA ang tinutukoy doon ni George Lamsa.

TANONG; Ang Diyos po ba may DUGO?

Natural wala.

Pero may dugo ba si Cristo? Natural meron.

Bakit?

Sapagkat si Cristo ay TAONG TUNAY ngunit bilang tao ay hindi nangangahulugang siya’y di na Dios.

Heto ang sabi sa Filipos 2:5-11 (NAB)

“Have among yourselves the same attitude that is also yours in Christ Jesus, who, though HE WAS IN THE FORM OF GOD (emphasis mine), did not regard equality with God something to be grasped. Rather he emptied himself, taking the form of a slave, COMING IN HUMAN LIKENESS and FOUND HUMAN IN APPEARANCE, he humbled himself, becoming obedient to death, even death on a cross. 
Because of this, God greatly exalted him and bewtowed on him the name that is above every name, that at the name of Jesus every knee should bend, of those in heaven and on earth and under the earth, and every tongue confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father. 
Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: Na SIYA, BAGAMA'T NASA ANYONG DIOS, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at NAGANYONG ALIPIN, NA NAKITULAD SA MGA TAO: At palibhasa'y NASUMPUNGAN SA ANYONG TAO, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.

Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.

Nakita niyo?

Mismong Biblia ang nagpapatunay na si Cristo ay NASA ANYONG DIOS ngunit hinubad niya ito at nagpakababa, sa ANYONG TAO NA KATULAD NATIN..

Sa makatuwid, si Cristo ay DIOS na nasa ANYONG TAO kaya’t SIYA AY MAY DUGO. At kahit na siya’y may dugo ay DIOS pa rin siyang tunay.. sapagkat ITO ANG KANYANG ANYO bago pa man siya'y NAGKATAWANG-TAO.

Sumatotal: Ang mga nakasulat sa Gawa 20:28 "iglesia ng Dios" ay hindi dapat palitan ninuman sa kadahilanang HINDI siya naniniwala sa pagka-Dios ni Cristo sapagkat ito ay PAMBABABOY sa Salita ng Dios at may pananagutan silang malaki sa araw ng paghuhukom (Rev. 22:19)

At dahil napag-usapan na rin natin ang pamimilit ng mga INM na si Cristo ay HINDI DIOS, isang malaking katanungan sa kanila kung bakit SINASAMBA NILA SI CRISTO na TAO?!

Hindi ba’t ang pagsamba ay nauukol LAMANG sa Dios at hindi sa tao?

Kung si Cristo ay TAO LAMANG wala siyang karapatang sambahin siya. At kung si Cristo ay tao lamang siya na mismo ang magbabawal sa tao na sambahin siya. 

Ngunit sa ating mga TUNAY na nakakakilala kay Cristo, si CRISTO AY DIOS na TUNAY. At kung siya’y DIOS nararapat lamang na siya'y SAMBAHIN!

May paglabag ba sa Biblia kung sambahin si Jesus?

Wala po! Kundi inuudyukan at inaanyayahan pa nga tayong SAMBAHIN siya!

Bakita kaya?  Sapagkat alam ng mga nagsulat ng Biblia na si CRISTO ay DIOS na tunay!

May paglabag ba sa iniuutos ng Dios na pagsamba sa DIOS lamang at hindi tao?

Wala!

Sa Filipos 2:5-11, binanggit bang dalawa ang Dios noong si Cristo ay nasa ANYONG DIOS bago magkatawang tao?

Hindi rin po.

Sinabi lamang na sa pangalan ni Jesus, ang “lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa IKALULUWALHATI NG DIOS AMA.

Sa ikaluwalhati ng DIOS AMA (sapagkat may DIOS ANAK) – IISANG DIOS pa rin!

Pangalawang tanong sa mga kaanib ng INM-1914: Kung si Cristo ay TAO LAMANG bakit siya'y LUMUSOT SA DINGDING at BIGLANG NAGPAKITA sa mga apostoles (Jn. 20:11-19) o kaya'y NAGPAPAKITA SIYA SA IBA'T IBANG LUGAR AT TAO SA PAREHONG ORAS AT PAREHONG PANAHON (1 Cor 15:6)

Katangian ba ito ng isang TAO LAMANG??!! Pakipaliwanag nga mga MANLILINLANG na MANGANGARAL ng Iglesia ni Cristo (Registered Trademark)?

Kaya't SI MANALO at ng kanyang INC-1914 and dapat nating ITAKWIL-- lahat ng kanilang mga turo sapagkat ang kanilang turo ay PUNO ng PANLILINLANG at PANDARAYA! Hindi gawain ng tunay na Iglesia ang gawain ng kadiliman!

Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring basahin ang mga sumusunod:

-DIVINITY OF CHRIST mula sa Catholic Answers
-I BELIEVE IN JESUS CHRIST mula sa Official Catechism of the Catholic Church
-INCARNATION & DIVINITY mula sa Catholic Faith Blog
-THE DIVINITY OF CHRIST mula sa Catholic News Agency Apologetics

1 comment:

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.

My Blog List

My Calendar