"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Wednesday, April 9, 2014

Bakit CIUDAD DE VICTORIA ang tawag sa lugar na tinayuan ng “Iglesia ni Cristo® Arena”?

Hindi sikreto ang itinatayong malaking gusali ng pamilya ni Felix Manalo. Kung ito’y matatapos ngayong taon, ito ay tatanghaling pinakamalaking indoor arena sa buong mundo—pasok sa Guinness Book of Records.

Bagamat maipagmamalaking maituturing ito ng bansang Pilipinas ngunit hindi naman ito pag-aari ng bansa at hindi lahat ng Pilipino ay kaanib ng Iglesia ni Cristo® (Registered Trademark). Mangyari kasing halos mahigit kumulang lamang na 4 milyon ang kanilang mga kaanib laban sa halos 80-85% na mga Katoliko. Sa buong populasyon ng bansa 2.3% lamang ang kanilang bilang ayon sa Wikipedia


Sinasabi ng pamunuan ng INC®-1914 na ito’y bukas sa mga Sports Events ng bansa, ngunit wala silang malinaw na patakaran kung maari ba itong pagdausan ng malalaking gathering tulad ng mga El-Shaddai ni Mike Velarde o ang Bible Exposition ng ADD (Ang Dating Daan) o ng grupo ni Eddie Vilanueva ng Jesus is Lord Church o ng Catholic World Youth Day.

Di bale na. Hindi lang naman kasi tayo pwedeng hihirit sapagkat ang intention naman ng gusaling yan ay upang MAIPALAGANAP ang aral ni FELIX MANALO at ang angkan ng mga MANALO.

Ang “Philippine Arena” ay itinatayo sa may Bucaue, Bulacan sa CIUDAD DE VICTORIA sa Español—sa English ay “City of Victory”.

Bakit hindi tinagalog ang “Ciudad de Victoria”?

Lalabas kasi na masyadong obvious na!

Yung INC® nga ay pinapangalanang Iglesia ni Manalo. Eh kung tatagalugin pa nila ang Ciudad de Victoria ay sigurado ay malaking batikos na naman ito sa pamilyang Manalo na siyang may-ari ng INC®.

Ang Ciudad de Victoria ay sadyang pinili dahil akmang-akma ito sa pangalan ng nagtatag ng Iglesia ni Cristo® na si MANALO.

Ang “Victoria” kasi sa Tagalog ay “Tagumpay” o "Pagwawagi" at ang ibig sabihin ng Tagumpay ay MANALO.

Kaya’t ang CIUDAD DE VICTORIA kapag Tinagalog na ay magiging LUNGSOD NG MANALO!

Ganon din naman ang kanilang New Era University (kuha sa pangalan ni EraÑo-Era New)—Manalong Manalo talaga ang lahat ng mga establisimiento ng Iglesia ni Cristo®-1914.

Ito’y sapagkat ang Iglesia ni Cristo® ay tatag ni Felix Manalo kaya’t nararapat lamang na sa kanila ang lahat ng mga pamamahala at ari-arian nito sa batas ng bansa.

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

PASUGO Mayo 1952, p. 4
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."
Kita niyo na?

At pagpapatayo ng malaking areana ay para sa kanilang ika-100 taong anibersaryo ng TAGUMPAY ng mga MANALO sa kasaysayan ng pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo® (Registered Trademark).

8 comments:

  1. Ginagawa lng nila ito upng sumikat hindi nila ito ginawa upang tumulong sa kapwa kung tumutulong man ay pilit sila

    ReplyDelete
    Replies
    1. Upang PASIKATIN si FELIX MANALO...

      Ciudad de Victoria... tagalog "LUNGSOD NG MANALO"

      Delete
  2. Siniraan nyo na naman ang Iglesia, Mga Walang Utak. Hindi ba't ang tamang tagalog ng "City of Victory" ay "Lungsod ng Tagumpay" . Hindi pwedeng Lungsod ng MANALO, Kasi WRONG GRAMMAR. Mga inutil talaga kayong mga kultoliko kayo. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano ba ang ibig sabihin ng TAGUMPAY? Di ba't MANALO?

      Hindi naman siguro inutil ang mga ministro mo para di nila inisip kung bakit Victoria ang nilagay? Pa-spanish spanish pa kayo.. tagalugin niiyo na lang at ilagay niyo MANALO!

      Delete
  3. Npakaimpokrito talaga ni CD.

    Sino ba ang sa loob ng mahigit isang libong taon ay nagpatayo ng sangkaterbang mga simbahan na pinangalan sa mga Apostol at kung sino sinong mga pari at santo?

    As for Ciudad de Victoria, itinayo yung lugar para icelebrate ang tagumpay ng INC sa darating na 100 anibersaryo ng muling pagbangon nito. Di ba't ang centenary ng isang institution ay tama lang na tawaging isang tagumpay?

    Yung New Era University, it's the other way around. Si Ka Erano kinuha ang pangalan mula sa New [Christian] Era: Http://en.wikipedia.org/wiki/Era%C3%B1o_Manalo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ginoong Ampo,

      Huwag na tayong patumpik-tumpik pa. Maghanap ka na lang ng kausap mong pwede mong bolahin. Sa mga katulad niyong tulog, natatangay ng agos.

      Alam mo ba kung bakit pinalitan ni FELIX ang kanyang apelyido mula YSAGUN sa MANALO?

      Sapagkat para kay FELIX ang MANALO kasi ay TAGUMPAY (VICTORY sa English).

      Sino ba naman ang matinong anak ang magpalit ng apelyido ng NANAY sa TATAY? Yan si Felix.

      Alam naman namin ang ibig sabihin ng NEW ERA. English po yan! Pero yan ay hango sa pangalan ni EraÑo (EraNew) kaya’t dun kinuha ang pangalan. Does not sound so obviously ERAÑO right?

      Eh sa CIUDAD de VICTORIA? Ano kasi ang VICTORIA? Spanish yan eh.. kala ko galit na galit kayo sa mga KASTILA eh bakit ngayon eh gumagamit kayo ng salita ng mga “pagano” at mga “manunupil” na mga Kastila?

      Sapagkat ang VICTORIA ay TAGUMPAY sa Tagalog na ang kasingkahulugan ng TAGUMPAY ay walang iba kundi MANALO.

      It doesn’t sound obviously MANALO, right?

      Sige, play with words pa kayo?

      IBONG MANDARAGIT? Si Felix daw yon
      IBANG MGA KAWAN? Mga INC daw yon
      FAR EAST? Eh Pinas daw yon.

      Wanna play with words again?

      Delete
  4. You just sounded so threatened!

    I hope you approve this comment.

    http://iglesianicristo.net/#1
    http://incmedia.org/content/

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, our CHRISTIAN FAITH is being THREATENED by a FAKE RELIGION with a FAKE MESSENGER,- a church that uses the name of CHRIST but praises the FOUNDER'S CLAN

      FYM - Felix Y. Manalo
      New Era - Era-Ño
      EVangelical Mission EVM - Eduardo V. Manalo
      Ciudad de Victoria - Lungsod ng Manalo

      Nasaan si Cristo?!

      Delete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.

My Blog List

My Calendar